Philhealth Contribution for OFW is voluntary..Bong Go said






 Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na personal niyang kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte para mapigilan ang pagtataas ng kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sa pagsasabing hindi ito napapanahon sa harap ng pandemyang nararanasan ng bansa.



Sa isang panayam, idinagdag ni Go na bagamat nauunawaan niya na ang hakbang ng PhilHealth ay naaayon sa probisyon ng Universal Healthcare Law (UHL), dapat ding ikonsidera ang kalagayan ng mga empleyadong na apektado ng krisis bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).

“And is necessary to sustain the services of PhilHealth para sa Universal Health Care. Pero may pandemya tayo ngayon at napakahirap pigain ang mga Filipino na madagdagan pa ng 0.5 percent dito sa babayaran nila,” sabi ni Go.

Nauna nang inihayag ni Philhealth President at CEO Atty. Dante Gierran na ipatutupad ang 3.5 porsiyentong singil sa premium rate ng mga miyembro nito simula Enero 2021, mula sa kasalukuyang tatlong porsiyento.

“Kaya nga po noong nakaraang Mayo ay sinabi ni Pangulong Duterte na boluntaryo lang sa OFWs (overseas Filipino workers)  ‘yung pagbabayad ng remittances. Naiintindihan ko ang mga kababayan natin. Huwag nating dagdagan ang kanilang mga pasanin,” dagdag pa ni Go.

Idinagdag ni G


o na dapat pag-aralan kung dapat amyendahan ang batas o ipagpaliban ang probisyon nito sa pamamagitan ng pagpasa sa Bayanihan Heal As One 3.

“Kung magpasa tayo ng Bayanihan 3, pwede pong ma-identify ng gobyerno doon sa batas kung ano ang pwedeng i-defer muna while nasa pandemic pa tayo. Tulungan natin ang ating mga kababayan, lalong-lalo na po ang mga OFWs natin, mga walang pambayad, o yung mga nawalan po ng mga trabaho — kawawa naman po. Wala na nga silang trabaho, tapos sisingilin pa natin,” ayon pa kay Go.